ss_blog_claim=ec0ff531faf6dbf9135ebb9e3f30a73d ss_blog_claim=ec0ff531faf6dbf9135ebb9e3f30a73d

Tuesday, August 14, 2007

Anong klaseng mag-asawa kayo?

Naks, tagalog ang posting ko ngayon ha...

Ok, nabasa ko sa blog ni Kelly ang tungkol sa "That Kind of Couple".

Aaminin ko, hindi kami ganun na mag-asawa. Iba-iba rin pala talaga ang mga mag-aasawa ano? Sa kaso namin, Ako ang "spender" at si Dicky naman ang "saver." Sa madaling salita, ako ang "gastador/maluho" at ang asawa ko naman ang "matipid/kuripot."

Ganito kami, dahil kapag binigay nya sa akin lahat ng sweldo nya, siguradong wala kaming maiipon. Hehehe, gastos to the max ako eh. Ok, hindi ako titigil ng gastos hanggang may laman ang wallet ko! Hehehe, yes, nabasa nyo ito ng tama.

Totoo, ganyan kaming mag-asawa at epektibo ang ganitong proseso sa amin. Tutal mahilig ako gumastos, napagkasunduan namin na sa akin galing ang mga gastos sa bahay tulad ng meralco, pldt, mwss, yayas, pamalengke at pang-groceries. At ok lang sa amin pareho yun. Pero sa kanya ang mga mahal na "appliances" at pati mga "investments" Sabi nga nila, tingnan nyo kung anong bagay sa inyong mag-asawa. Nadadaan lahat sa pag-uusap at plano.

Meron kaming "joint account" na puede akong kumuha ng pera ano mang oras, pero wala akong kontribusyon dun, hehehe. Kaya naman, nakakahiya ring kumuha dun parati diba? Meron akong sariling "bank account" at wala rin syang pakialam dun. Di yun "joint" eh, so di sya puedeng kumuha talaga. At di rin ako masyadong nakikialam sa mga kinikita/sweldo nya. Buo ang tiwala ko sa kanya. Ang importante sa akin, meron kaming ipon, at nakikita ko yun sa libreta ng "joint account" namin.

Ika nga nila "Ang pera nya, pera ko. Pero ang pera ko, pera ko lang!" Hehehe.

Kayo, anong klaseng mag-asawa kayo?

6 comments:

Nyree said...

Hi Jody! Naaliw ako sobra dito sa post mo and agree ako sayo dito: "Ang pera nya, pera ko. Pero ang pera ko, pera ko lang!" hahaha!

Kelly said...

Hi Jody! Gastadora ka pala! Tama lang na 'wag bigay sa'yo ni Dicky ang pera :)

On your post "Ang pera nya, pera ko. Pero ang pera ko, pera ko lang!" --> AMEN TO THAT! hahaha!

M0rN1nG & N!cE said...

hahaha! I agree na nasa pag-uusap lang naman talaga yung money matters and what works for some may not work for you. :)

I enjoyed reading your post.

Apols said...

Ako din jody! Ill write about this in my blog. Hehehe.

Ang pera ko pera ko lang din :D

Hehehehe.

apols

Paul and Toni said...

akmang-akma sa linggo ng wika ah! hehe! ako din jody, gastador at si paul naman yung tipid. at sobrang agree ako sa yo, yung "Ang pera nya, pera ko. Pero ang pera ko, pera ko lang!" hehehe!

Ozzy's Mom said...

love this line!:)

Ika nga nila "Ang pera nya, pera ko. Pero ang pera ko, pera ko lang!" Hehehe.

AND ako din. i feel the same way. pareho tau ng 'kind' of magasawa. i am the spender & hubby is the saver.