ss_blog_claim=ec0ff531faf6dbf9135ebb9e3f30a73d ss_blog_claim=ec0ff531faf6dbf9135ebb9e3f30a73d

Tuesday, August 23, 2005

Shopping in HongKong!!!






I'm back from HK nung sunday pm pa. We (dicky and I) arrived mga 130am na sa house. Sobrang pagod. Kahapon ko naramdaman ang sakit ng mga paa ko.

Kwento...I left Thursday, August 18. Ang aga ng flight ko, 630am via Cathay so I have to be in the airport at 4am atleast. I arrived before 4am. Ang dami-daming tao. Would you believe, almost in time lang ako for boarding nung natapos ako sa pagcheck-in. Mostly kasi connecting flights papuntang UK and US kaya ang daming tao. I was in HK around 9am and in my hotel room na around 1030am. Dicky arrived in my hotel at 11am. We missed each other so much kaya naman ang higpit ng aming hug to each other. We went out to have lunch in one of the chinese restaurants near my hotel. 3-star hotel lang ako nagstay para makamura pero it was along Nathan Road kaya naman sa baba pa lang ng hotel, tiba-tiba na sa shopping.

Dicky has a meeting at 2pm in Hongkong side kaya sumama na rin ako sa kanya. Punta na lang ako on my own sa Causeway Bay to check Times Square mall while waiting for Dicky. Nagtingin din ako ng mga laptops, cameras and radios for my coordination. I ended up buying just the headseats. Sobrang maulan sa HK while we were there. Napilitan tuloy kaming bumili ng foldable umbrella worth HK$10 lang, yun pala parang disposable. 1 day pa lang sira na. We ended up buying another one. This time, di na foldable binili namin, yung mahaba na. Nagkita na kami ulit ni Dicky around 5pm in Times Square. We started shopping. I went na dun sa Esprit Outlet pero wala na akong masyadong makita cause siguro nabili na yung magaganda. We just shop along Nathan and ended around 9pm. We had late dinner na lang.

Friday, we went to the hotel of Dicky in Harbor Plaza Metropolis cause may meeting sya doon ng 9am. Ang layo ng hotel nila, sa Hung Hom pa kaya have to ride a shuttle from Tsim Tsa Tsui. Pero super ganda ng hotel nila, overlooking the harbor view. Super lakas ng ulan kaya basang basa kami on our way there. Doon na rin kami nag-lunch cause late na natapos meeting ni Dicky. After which, shopping na naman. We went naman to Harbor City connecting to Marco Polo Gateway. It's the biggest mall in HongKong. Imagine, may map pa sila. Best destination there, Toys R Us. We got Margaux some toys and my favorite eh yung Vtech Sing and Dance Piano! As in may microphone pa, para mapractise ang pagiging diva ng anak ko. Di na kami halos nag-dinner cause we ate merienda in one of the breadshops inside the mall. Yum-yum ang mga breads nila. We finished shopping around 930pm na then we passed by pa dun sa may Nathan where we bought some perfumes. Tinuro iyon ng friend ni Dicky na dun daw bumili. Sobrang mura ng mga perfumes compared sa Sasa and sa mga malls. Actually, they do sell yung mga testers which is almost 20% na lang of the original cost. The only difference is wala syang box. May boy naman pero brown lang di talaga the original box. But the perfumes inside are original. Dicky got 3, I got 2 and one for a friend. Sobrang nagulat kami sa price cause like yung Bulgari Extreme His na HK$900 sa malls, we got it for HK$250 na lang! When we arrived sa hotel, sobrang pagod na kami. Just took shower then sleep na.

Saturday naman, we were out shopping again. This time, we got na the pasalubongs to our families. Then balik pa rin kami sa Marco Polo gateway to get more clothes for Margaux. Ang cute kasi ng mga goods nila doon esp for kids, puro disney dahil nga sa disneyland. Pati avent mura doon, kaya I got mga nipples for avent. Mostly napamili namin eh for Margaux but mind you, ang daddy, si Dicky, sangdamakmak ang pinamiling mga damit and shoes. Ang bigat-bigat ng luggage nya, umabot ng 33.2K eh dapat 32K lang. Buti di na kami pinagbayad. Mine kasi was 22K lang. I got some blouses from Esprit, Bossini and Crocodile. For the first time, di ako bumili ng bag on my trip. Hehehe, pinipigilan kasi ako ni Dicky eh. Actually, yung Lacoste nila doon eh mas mahal kesa dito sa Pinas. Kasi when you compute for the conversion, mas mahal talaga lumalabas. Pati mga branded make-ups, di na ako bumili kasi nga lumalabas mas mahal. I'd rather get na lang in Rustan's, sayang pa kasi sa points in frequent shoppers. As usual, ginabi na naman kami umuwi that saturday pm.

Sunday naman, pack na lang of things cause i need to check out by 12nn then leave na lang our baggages so we can still go out dahil 6pm pa ang sundo ng airport transfer namin. I was worried na baka singilin ako sa hotel cause dicky stayed with me. Package kasi ang kinuha ko ang dapat single lang sa room. Buti na lang hindi! We initially planned to go to Disneyland dahil soft launch nung August 21, sunday pero the rides are not yet open. Open lang ang gates pero not much to see pa. HK$20 lang kasi ang pamasahe from Tsim Tsa Tsui when you ride the train. They creted an new train line going there and so cool ng train cause disney characters lahat ang designs. Kaso di na rin kami tumuloy dahil malakas ang ulan. Pero kahit na umuulan pa, di talaga kami papigil sa shopping. We were back in the hotel in time for our pick-up. Marami pa ring nagawang last minute shopping. Wala nga kaming masyadong picture, wala pa atang 10 shots dahil we didn't tour na naman, kasi been there na nga before. Purposely, shopping talaga pinunta namin. Kakahiya namang mag-picture pa kami while shopping diba?

Overall, marami talaga kming napamili. I just realized yesterday, when I computed for it. Gosh! Lalong sumakit ang ulo ko....hehehe. Sabi ko kay Dicky, isang taon kaming di bibili ng bagong damit! It was very tiring. Kahapon, halos di ako makabangon sa sakit ng katawan because of shopping and also talking about making up for the lost times!

Yun lang ang kwento ko sa aming HK shopping adventure!

1 comments:

Mickee said...

HK is known to be asia's shopping heaven nga daw... kaya naman I was suggesting to Clifford na doon kami magbakasyon nitong uwi ko but he kept discouraging me. Takot lang yatang mag-panic buying ako, hahaha!